Wednesday, July 24, 2013

Judy Ann Santos, magiging bida-kontrabida sa ‘Huwag Ka Lang Mawawala’

Mas palabang Judy Ann Santos na ang masasaksihan gabi-gabi ng loyal viewers ng consistent top-rating primetime drama series ng Pinoy Soap Opera Queen na “Huwag Ka Lang Mawawala.”

Judy Ann Santos

Matapos danasin ang matinding pang-aabuso sa kamay ng asawang si Eros (Sam Milby) at tangkang pagpatay sa kanya ng biyenang si Romulus Diomedes (Tirso Cruz III), babangon ang isang bagong Anessa (Judy Ann)–mas matapang, mas may paninindigan, at mas maganda!

Paano iikot ang buhay ni Anessa sa pagkakaligtas sa kanya ni Dr. Maria Balaguer (Amalia Fuentes)?

Ang ‘bagong buhay’ ba niya ang hudyat ng paghihiganti niya laban kina Eros at Alexis (KC Concepcion) na umagaw sa anak niyang si Emmanuel? Sa kanyang pagbabalik matapos ang limang taon, si Anessa na ba ang dapat katakutan ng pamilya Diomedes?

Huwag palampasin ang mabilis at mas kapanapanabik na takbo ng kuwento ng “Huwag Ka Lang Mawawala,” gabi-gabi, pagkatapos ng “Muling Buksan Ang Puso” sa ABS-CBN Primetime Bida.

0 comments:

Post a Comment

 
Copyright 2009 Pinoy Showbiz Blogger. Powered by Blogger Blogger Templates create by Deluxe Templates. Premium Wordpress Themes | Premium Wordpress Themes | Free Icons | wordpress theme
Wordpress Themes. Blogger Templates by Blogger Templates and Blogger Templates