Tuesday, July 02, 2013

‘Annaliza’ cast, nagpasaya ng mga bata sa Navotas

Isang thanksgiving outreach program ang idinaos kamakailan ng cast ng ABS-CBN top-rating family drama na Annaliza sa Barangay NBBS, Navotas City.

Annaliza cast in outreach program

Pinangunahan ng rising teleserye princess na si Andrea Brillantes, kasama ang iba pang child stars ng soap na sina Kyline Alcantara, Jillian Aguila, John Vincent Servilla, Dale Baldillo, at Rein Tolentino, ang pamimigay ng school materials tulad ng textbooks sa mga bata roon.

Sabay sabay din silang nagsalu-salo para sa isang simpleng meryenda. Game na game rin silang sumayaw kasama ang piling bata sa pagtitipon, habang magkahiwalay na song numbers naman ang inihandog ni Andrea at ng ate niya sa teleserye na si Kyline.

Layunin ng event na dinaluhan ng humigit-kumulang sa 300 residente ng barangay ang magpasalamat sa mga taong walang sawang sumusubaybay sa Annaliza lalo na sa mga taga-Navotas kung saan kinunan ang karamihan sa mga eksena ng pilot week ng soap.

Hindi pa rito nagtatapos ang pagtulong ng Annaliza dahil mga batang may karamdaman at mga batang inabuso mula sa mga institusyon ang susunod na bibisitahin at papasayahin ng cast.

Huwag palalampasin ang Annaliza gabi-gabi, bago mag-TV Patrol sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

0 comments:

Post a Comment

 
Copyright 2009 Pinoy Showbiz Blogger. Powered by Blogger Blogger Templates create by Deluxe Templates. Premium Wordpress Themes | Premium Wordpress Themes | Free Icons | wordpress theme
Wordpress Themes. Blogger Templates by Blogger Templates and Blogger Templates