Thursday, July 04, 2013

Coco Martin, excited sa pagpasok ni Vice Ganda sa ‘Juan Dela Cruz’

Masayang-masaya ang Teleserye Prince na si Coco Martin sa nalalapit nang pagpasok ng best friend niyang si Vice Ganda sa kwento ng no. 1 sa superhero drama series ng ABS-CBN na “Juan dela Cruz.” Gagampanan ni Vice sa teleserye ang karakter ng tikbalang na si Santana.

Vice Ganda

“Na-excite agad ako nung sinabi sa akin na papasok si Vice sa ‘Juan dela Cruz’ kasi first time namin na magkakasama sa isang teleserye at matagal na rin kaming hindi nagkakatrabaho sa isang project,” pahayag ni Coco na huling nakasama si Vice sa independent movie na “Noy.”

Tiniyak ni Coco na ikatutuwa ng TV viewers ang role ng kaibigan sa kanyang hit superhero series. Aniya, “Bilib ako sa talento ni Vice. Hindi lang bilang komedyante, kundi bilang isang artista. Alam kong ibibigay niya ang 100% niya para mapasaya ang mga manonood.”

Anong klaseng pagbabago ang idudulot ni Santana sa mundo ng “Juan dela Cruz?” Kakampi ba siya ni Juan o kalaban?

Samantala, abangan ngayong Lunes (Hulyo 8) ang simula ng “Juan dela Cruz Revolution” sa nakagugulat na pag-ikot ng mundo ni Juan dela Cruz dahil sa paglabas ng isang bagong karakter at bagong sandata ng ‘bakal na krus,’ at ng bagong misyon niya para sa mga kabataang Pilipino na ‘Juan Fun School Day.’

Huwag palampasin ang pagdating ni Vice Ganda sa mundo ng paboritong superhero ng mga Pilipino, “Juan dela Cruz,” gabi-gabi pagkatapos ng “TV Patrol” sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

0 comments:

Post a Comment

 
Copyright 2009 Pinoy Showbiz Blogger. Powered by Blogger Blogger Templates create by Deluxe Templates. Premium Wordpress Themes | Premium Wordpress Themes | Free Icons | wordpress theme
Wordpress Themes. Blogger Templates by Blogger Templates and Blogger Templates