Wednesday, July 24, 2013

‘MMK,’ patuloy na nangunguna; Empress, bibida sa heavy drama episode ngayong Sabado

Nananatiling most-watched weekend TV program ang longest-running drama anthology sa Asya na “Maalaala Mo Kaya” sa muli nitong pamamayagpag noong Sabado (Hulyo 20) nang humataw ito ng 35.3% national TV ratings, o mas mataas ng 14 puntos sa kalaban nitong “Magpakailanman” na may 21.2%, base sa datos ng Kantar Media na sakop ang mga kabahayan sa parehong urban at rural areas sa bansa.

Maalaala Mo Kaya

Samantala, bibida naman ang Kapamilya actress na si Empress sa upcoming family drama episode ng “MMK” ngayong Sabado (Hulyo 27). Gagampanan niya ang karakter ni Claire, isang mapagmahal na anak na biglang mawawasak ang buhay dahil sa katotohanang matutuklasan tungkol sa kanyang pamilya at tunay na pagkatao.

Kasama ni Empress sa kanyang “MMK” episode sina Assunta De Rossi, Cris Villanueva, Joshua Dionisio, Devon Seron, Ramon Christopher Gutierrez, Juliana Palermo, Eda Nolan, Lloyd Samartino, Eva Darren, Ces Aldaba, Arie Reyes, Justin Gonzales, Miguel Morales, CJ Navato, Timothy Chan, Eslove Briones, Sharmaine Suarez, at Mike Austria. Ito ay sa ilalim ng pagsasaliksik ni Agatha Lee Ruadap, panulat ni Arah Jell Badayos, at direksyon ni Dado Lumibao.

Huwag palampasin ang undisputed no. 1 drama anthology sa buong Pilipinas, “Maalaala Mo Kaya” (MMK), tuwing Sabado, pagkatapos ng “Wansapanataym” sa ABS-CBN.

0 comments:

Post a Comment

 
Copyright 2009 Pinoy Showbiz Blogger. Powered by Blogger Blogger Templates create by Deluxe Templates. Premium Wordpress Themes | Premium Wordpress Themes | Free Icons | wordpress theme
Wordpress Themes. Blogger Templates by Blogger Templates and Blogger Templates