May karapatan bang magpalit ng pangalan sa mga legal na dokumento ang isang taong may problema sa sekswalidad?
‘Yan ang aalamin ni Anthony Taberna sa “Pinoy True Stories: Demandahan” bukas kung saan tatalakayin ang kaso ni “Michelle” na nag-petisyong magbago ng pangalan dahil kakaiba niyang kondisyong may parehong ari ng lalaki at babae.
Ipinanganak at lumaking babae si Michelle. Ngunit nang magdalaga ito, laking pagtataka niya dahil kaiba sa mga kaibigan, hindi lumalaki ang kanyang dibdib at hindi rin siya nireregla. Sa halip, tila naging boses at hitsurang lalaki pa ito.
Kalauna’y napag-alamang may kakaibang sakit siyang Congenital Adrenal Hyperplasia o abnormalidad sa adrenal glands na dahilan para magtaglay siya ng parehong katangiang ng lalaki at babae.
Bukod diyan, nagkaroon na rin siya ng ari ng lalaki dahil sa male hormones niya sa kanyang katawan. Naging ganap na lalaki na si Michelle sa kanyuan kaya naman ninais nitong magpalit ng pangalan. Pinayagan kaya ng Korte Supreme ang kanyang petisyon? Sinu-sino nga ba ang maaaring magpapalit ng pangalan?
Tunghayan sa “Pinoy True Stories: Demandahan” ngayong Huwebes (Hulyo 4), 4:30pm, pagkatapos ng “A Promise of A Thousand Days” sa ABS-CBN Kapamilya Gold.
0 comments:
Post a Comment