Panalo ang awiting “Ano’ng Nangyari Sa Ating Dalawa” na isinulat ni Jovinor Tan at inawit ni Aiza Seguerra sa pinakamalaking multimedia songwriting competition sa bansa, ang “Himig Handog” na may temang “Pinoy Pop (P-POP) Love Songs: Mga Awit at Kwento ng Pusong Pilipino” mula sa ABS-CBN at Star Records.
Ginanap kagabi ang mala-concert na finals night sa SM MOA Arena kung saan inawit ng 11 iba pang Kapamilya artists ang mga komposisyong napili para sa kumpetisyon. Kabilang sa mga nanalo ang mga sumusunod: 2nd place para sa “Hanggang Wakas” ni Soc Villanueva na inawit ni Juris Fernandez; 3rd place para sa “If You Ever Change Your Mind” na inawit at isinulat ni Marion Aunor; 4th place para sa “Scared to Death” ni Domingo Rosco Jr. na inawit ni KZ Tandingan; at 5th place para sa “Kahit Na” ni Julius James de Belen na inawit ni Toni Gonzaga.
Samantala, dumagundong ang MOA Arena nang mag-perform si Daniel Padilla ng awiting “Nasa Iyo Na ang Lahat” na isinulat ni Jungee Marcelo. Hindi na napigilan ang fans ni Daniel na sumugod sa stage upang mapanood nang malapitan ang idolo.
Iniuwi ng “Nasa Iyo Na ang Lahat” ang apat sa limang special awards na may premyong 50,000 bawat isa. Tinanggap ni Marcelo at Padilla ang Star Records Buyer’s Choice, Tambayan 101.9 Listener’s Choice, MOR Listener’s Choice, at MYX Choice For Best Video produced by film students ng Ateneo de Manila University. Ang TFC’s Choice Award naman ay tinanggap ng “This Song’s For You” ni Jude Thaddeus Gitamondoc na inawit ni Erik Santos.
Kasama sa nag-perform kagabi sina Yeng Constantino (“Alaala”), Angeline Quinto (“One Day”), Bugoy Drilon (“Pwede Bang Ako Na Lang Ulit”), Jovit Baldivino (“Sana’y Magbalik”), at Wynn Andrada (“Tamang Panahon”).
Nagtanghal din ang mga nagdaang Himig Handog interpreters na sina Bituin Escalante, Anna Fegi and Mr. Martin Nievera. Ang finals night ay mula sa direksyon ni Mr. Johnny Manahan na may espesyal na partisipasyon ng musical director na si Gerard Salonga at ABS-CBN Philharmonic Orchestra. Nagsilbing hosts sina Xian Lim, Matteo Guidicelli, Megan Young, at Kim Chiu.
Ang ikalimang taon ng “Himig Handog” ay nakatanggap ng higit 2,500 original compositions mula sa mga Filipino composer sa iba’t ibang panig ng mundo. Ang “Himig Handog P-Pop Love Songs” ay bahagi pagdiriwang ng ABS-CBN para sa 60 taon ng Philippine television.
Maari nang mabili ngayon ang “Himig Handog P-Pop Love Songs” CD sa record bars nationwide sa halagang P250. Maari din i-download ang mga kanta sa iTunes. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa “Himig Handog P-Pop Love Songs,” bisitahin ang Facebook fanpage ng Star Records na www.facebook.com/starrecordsphil o i-follow ang @starrecordsph sa Twitter.
0 comments:
Post a Comment