Thursday, February 21, 2013

Pagbibitiw ni Pope Benedict XVI, hudyat ng katapusan ng mundo?

Matapos magimbal ang buong mundo kamakailan nang opisyal na ianunsyo ni Pope Benedict XVI ang kanyang pagbibitiw bilang Santo Papa, haharap sa “The Bottomline With Boy Abunda” ngayong Sabado (Pebrero 23) si Fr. Francis Lucas, ang Executive Secretary ng Episcopal Commission on Social Communication and Mass Media ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), upang ibahagi ang kanyang pananaw kaugnay ng mga isyung ikinakabit sa pagre-resign ng lider ng Simbahang Katoliko.

Pope Benedict XVI

Sumasang-ayon nga ba siya sa pagtalikod ni Pope Benedict XVI sa kanyang tungkulin? Sino-sino nga ba ang mga napipisil na posibileng na pumalit sa kanya?

Sa nalalapit na pagpili sa ika-112 na Santo Papa, naniniwala nga ba si Fr. Lucas sa Malachy Prophecy na ang susunod sa yapak ni Pope Benedict XVI ang magiging hudyat ng katapusan ng mundo?

Huwag palampasin ang 2012 PMPC Best Public Affairs Program na “The Bottomline with Boy Abunda” ngayong Sabado, 11:30 ng gabi, pagkatapos ng “Banana Split” sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on lamang sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.

0 comments:

Post a Comment

 
Copyright 2009 Pinoy Showbiz Blogger. Powered by Blogger Blogger Templates create by Deluxe Templates. Premium Wordpress Themes | Premium Wordpress Themes | Free Icons | wordpress theme
Wordpress Themes. Blogger Templates by Blogger Templates and Blogger Templates