Wednesday, February 20, 2013

Coco at Julia, sobrang happy sa mainit na suporta ng fans sa ‘A Moment In Time’

Apaw-apaw na pasasalamat ang ipinarating ng phenomenal love team nina Coco Martin at Julia Monetes sa mainit na pagtangkilik at positibong feedback ng publiko sa kauna-unahan nilang pelikula na “A Moment In Time” palabas pa rin ngayon sa mahigit 130 cinemas nationwide. Handog ng Star Cinema, ang “A Moment In Time” ay graded “B” ng Cinema Evaluation Board.

Coco Martin and Julia Montes

“I am so happy sa reaction ng mga tao sa movie noong pinapanood nila! Honestly, sobrang lakas ng kaba ko before mag-start ang showing pero nung naririnig ko na ‘yung iba ay nagsisigawan pa sa mga eksenang pinapanood nila, parang worth it lahat ng hirap namin sa shooting,” masayang pahayag ni Julia.

Tulad ng kanyang ka-love team, wala ring pagsidlan ang tuwa ni Coco sa patuloy na pagdumog ng moviegoers sa tinagurian ng karamihan bilang perfect Valentine movie na “A Moment In Time.”

“Maraming salamat po sa lahat ng magagandang feedback na naririnig namin tungkol sa pelikula. Sobra-sobrang biyaya na po ito! Sobra rin akong happy kasi finally heto na, nakikita na naming ang pinaghirapan at pinagtrabahuhan namin ng ilang buwan. Kasi binigay ko na talaga lahat sa pelikulang ito,” ani Coco. “Yung mga hindi ko usually ginagawa ay napagawa sa akin kaya laking pasasalamat ko sa Star Cinema na pumilit sa akin gawin ang mga ‘yun. Kilala n’yo naman ako ‘di ako sumasayaw, pero dito n’yo lang mapapanood ‘yun. At base naman sa reaction ng tao sa eksena nagustuhan talaga nila.”

Bukod sa mga bagong talent na ipinasiklab ni Coco, isa pang hot topic sa mga manonood ang ‘first kiss’ diumano ni Julia sa pelikula. “Gusto kong may maibigay naman na bago sa audience at si Coco po naman ay kasama ko na nang napakatagal kaya nandun na ‘yung tiwala,” sabi ni Julia.

Dagdag pa ni Coco, hindi naging mahirap para sa kanila ni Julia ang pinag-uusapang sweet moments dahil kampante sila sa isa’t isa. “Wala namang ilangan. Mas nailang pa ‘yata si Lola Flory (ang Lola ni Julia) kasi s’yempre first time ni Julia ‘yun. Kailangan talagang abangan sa movie kung paano namin ginawa ‘yun.”

Saksihan sa “A Moment In Time” ang naiibang love story nina Patrick (Coco) at Jillian (Julia) na daraan sa maraming pagsubok. Posible nga bang dumating at mawala ang pag-ibig sa isang iglap? Paano kung ang taong nais mong limutin at layuan ay sa isang saglit lang ay biglang magbabalik upang muli kang paibigin?

Sa ilalim ng direksyon ni Emmanuel Palo, tampok rin sa “A Moment In Time” sina ZsaZsa Padilla, Cherie Gil, Gabby Concepcion, Ella Cruz, at ang kambal mula sa PBB Teen Edition 4 na sina Joj at Jai Agpangan.

I-celebrate ang Valentine’s season kasama ang buong pamilya at manood ng nakakatuwa, nakakkilig at nakaka-in love na first movie nina Coco at Julia, “A Moment In Time,” palabas pa rin sa mahigit 130 cinemas nationwide.

0 comments:

Post a Comment

 
Copyright 2009 Pinoy Showbiz Blogger. Powered by Blogger Blogger Templates create by Deluxe Templates. Premium Wordpress Themes | Premium Wordpress Themes | Free Icons | wordpress theme
Wordpress Themes. Blogger Templates by Blogger Templates and Blogger Templates