Thursday, February 21, 2013

Kris Aquino, Kim Chiu, at iba pang Kapamilya stars aakyat ng Baguio para sa Panagbenga 2013

Magsasabog ng kakaibang kulay ng kaligayahan ang naglalakihang Kapamilya stars, sa pangunguna ng Queen of All Media na si Kris Aquino, sa inaabangang Panagbenga Floral Float Parade sa Baguio City ngayong Linggo (Pebrero 24).

Kapamilya stars to grace Panagbenga Flower Festival 2013

Sa ganap na alas-siyete ng umaga, makikibahagi ang ABS-CBN Regional Network Group (RNG) sa taunang parada sa pamamagitan ng engrandeng floral float nito na katatampukan ni Kris kasama ang “Kailangan Ko’y Ikaw” co-stars niyang sina Xyriel Manabat, Marco Gumabao, Miles Ocampo, Karla Estrada, at Smokey Manoloto; at ng “Kris TV” co-hosts niyang sina Jason Francisco at Melai Cantiveros.

Samantala, mas marami pang ABS-CBN stars ang makiki-fiesta at magbibigay saya sa mga kapamilya sa Baguio sa darating na Kapamilya Karavan sa Marso 2 (Sabado), 4pm, na gaganapin sa Melvin Jones Park.

Iba’t ibang special production numbers at sorpresa ang tampok sa Kapamilya Karavan na dadaluhan ng mga bida ng top-rating ABS-CBN shows na sina Kim Chiu, Maja Salvador, Enchong Dee at Xian Lim ng “Ina Kapatid Anak;” Angeline Quinto, Paulo Avelino at Sam Milby ng “Kahit Konting Pagtingin;” at bagong Kapamilya child wonders na sina Julia Base at Larah Sabroso ng afternoon series na “May Isang Pangarap.”

Makipag-bonding na kasama ang mga paboritong Kapamilya stars ngayong 2013 Panagbenga Flower Festival at huwag palampasin ang espesyal na ng pag-arangkada ng ABS-CBN RNG float sa Panagbenga Floral Float Parade sa Linggo at ang star-studded Kapamilya Karavan sa Marso 2.

Ang ABS-CBN Regional Network Group ay ang nationwide TV at radio network ng ABS-CBN Corporation.

Para sa iba pang Kapamilya stories at happenings sa iba’t ibang panig ng Pilipinas, mag-log on lamang sa www.abs-cbnnews.com, www.choosephils.com, at www.iwantv.com.ph.

0 comments:

Post a Comment

 
Copyright 2009 Pinoy Showbiz Blogger. Powered by Blogger Blogger Templates create by Deluxe Templates. Premium Wordpress Themes | Premium Wordpress Themes | Free Icons | wordpress theme
Wordpress Themes. Blogger Templates by Blogger Templates and Blogger Templates