Thursday, February 21, 2013

Isyu ng paglampas sa tinakdang gastos sa kampanya, hihimayin ni Ted Failon

Eleksyon na naman kaya kaliwa’t kanan na naman ang mga TV commercial, posters, at kung ano ano pang pakulo para mangampanya ang mga kandidato. Magkano nga ba ang nagagastos nila dito? Lahat ba sumusunod sa tamang pangangampanya?

Ilalatag ni Ted Failon ang mga kontrobersya at batas sa pangangampanya ngayong Sabado (Peb 23) sa “Failon Ngayon.”

Ayon sa mga ulat, noong nakaraaang eleksyon gumastos ng pinakamalaki si Senador Manny Villar na umabot sa P431 milyon, sinundan ito ni Presidente Noynoy Aquino na gumastos ng mahigit sa 400 milyon. Pareho namang gumastos ng P200 milyon sina Department of Interior and Local Government secretary Mar Roxas at dating pangulong Joseph Estrada.

Inamin ni COMELEC Chairman Sixto Brillantes na hindi sinusunod ng mga kandidato ang itinakdang limitasyon sa gastos ng kampanya. Wala rin daw kakayahan ang ahensiya para bantayan ang bawat kandidato mula sa 18,000 posisyon sa bansa, lalo na sa mga probinsiya.

Tututukan din ni Ted kung may napanagot nang pulitiko kaugnay ng paglabag sa patakarang inilatag ng COMELEC.

Sa isyu ng paglampas sa gastos sa kampanya ng mga kandidato, lahat tayo may pakialam. Kaya panoorin ang “Failon Ngayon” ngayong Sabado (Feb 23), 4:45 PM sa ABS-CBN. May replay din ito sa ANC tuwing Linggo, 2 PM. Mag-kumento at ipahayag ang inyong saloobin sa official page ng programa sa http://www.facebook.com/failon.ngayon at i-follow ito sa Twitter sa http://www.twitter.com/Failon_Ngayon. I-tweet ang inyong mga opinyon gamit ang hashtag na #FailonNgayon.

0 comments:

Post a Comment

 
Copyright 2009 Pinoy Showbiz Blogger. Powered by Blogger Blogger Templates create by Deluxe Templates. Premium Wordpress Themes | Premium Wordpress Themes | Free Icons | wordpress theme
Wordpress Themes. Blogger Templates by Blogger Templates and Blogger Templates