Tuesday, February 26, 2013

World Tour ng ‘Be Careful With My Heart,’ aarangkada na sa Marso

Bilang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng Filipino viewers worldwide na tumatangkilik sa no.1 daytime kilig-serye ng ABS-CBN na “Be Careful With My Heart,” excited nang lumipad sina Maya (Jodi Sta. Maria), Sir Chief (Richard), at kanilang mga pamilya sa iba’t ibang panig ng mundo upang magsabog ng good vibes sa “Be Careful With My Heart World Tour” na magsisimula na ngayong Marso.

Be Careful With My Heart

Ang pinananabikang world tour ng buong cast ng “Be Careful With My Heart” ay dadayo sa Middle East sa Marso; USA at Canada sa Mayo; Europe sa Agosto; at Japan sa Nobyembre.

Mula nang magsimulang umere noong Hulyo 2012, matagumpay na nabago ng kilig-serye nina Jodi at Richard ang daytime viewing ng buong bayan. Sa loob ng halos pitong buwan na pamamayagpag sa ere, sunod-sunod na tagumpay na ang natamo ng programa kabilang ang record-breaking national TV ratings nito, gold-selling official soundtrack, pagiging kaisa-isang daytime teleserye na may official DVDs, at mall shows na dinudumog saanmang bahagi ng bansa. Sa labis na pagkapatok ng “Be Careful With My Heart,” maging ang digital world ay nasakop na rin nito. Bukod sa halos araw-araw na pagiging trending topic sa social networking sites gaya ng Twitter, ang hit Kapamilya kilig-serye ay one of the most liked fanpages na rin sa Facebook at most viewed program sa video-on-demand site na iWantTV na may mahigit 25 million page views na noong Enero 2013. Nasungkit rin ng kilig-serye ang puso ng global Pinoys na pinatunayan ng record nito bilang most viewed program sa TFC.TV ng The Filipino Channel na may 3.2 million page views na noong Enero 2013. Higit na pinatunayan ng “Be Careful With My Heart” ang unique international appeal nito sa pagiging finalist sa telenovela category ng prestiyoshong 2013 New York Festivals (NYF) World’s Best Television and Film.

Para sa iba pang detalye tungkol sa world tour nina Maya at Sir Chief, patuloy sa tumutok sa “Be Careful With My Heart,” araw-araw, 11:45am, pagkatapos ng “Minute To Win It” sa Primetanghali ng ABS-CBN. Subaybayan rin ang “Be Careful With My Heart Sabado Rewind” tuwing Sabado, 10am, bago ang “It’s Showtime.”

Para sa karagdagang impormasyon, mag-log on sa www.abs-cbn.com, sundan ang @becarefulheart sa Twitter; at i-’like’ ang official Facebook fanpage ng show sa www.facebook.com/becarefulwithmyheartofficial.

0 comments:

Post a Comment

 
Copyright 2009 Pinoy Showbiz Blogger. Powered by Blogger Blogger Templates create by Deluxe Templates. Premium Wordpress Themes | Premium Wordpress Themes | Free Icons | wordpress theme
Wordpress Themes. Blogger Templates by Blogger Templates and Blogger Templates