Saturday, February 09, 2013

PBB Teen Ryan at Karen, Hahamunin ni Kuya Kim

Mapapaaga ang summer kay Kuya Kim ngayong Linggo (Feb 10) sa “Matanglawin” dahil sasabak siya sa isang exciting na adventure sa isa sa pinakamainit na vacation spot sa bansa ngayon— ang probinsya ng Albay.

Karen Reyes and Ryan Boyce with Kuya Kim Atienza in Matanglawin

Hindi lang iyan dahil tila mapapaaga din ang Valentines dahil sasamahan siya ng kinakikiligang “Pinoy Big Brother Teen Edition” housemates na snia Karen Reyes at Ryan Boyce at patutunayan ang mga sarili na karapat-dapat tawaging “Matanglawin” adventurers.

Tunghayan ang pagharap ng RyRen loveteam sa mga hamon ni Kuya Kim para masubukan kung hanggang saan sila tatagal.

Susuungin nila ang Japanese Tunnels sa ilalim ng Lignon Hill at lilipad sakay ng zipline. Gagawa rin sila ng bolo at titikman ang naiibang Sili ice cream ng lugar.

Tuloy tuloy ang hamon sa kanila ni Kuya Kim dahil kailangan din nilang pag-aralang gumawa ng pili candy at ceramics mula sa Tiwi.

Pumasa kaya sina Ryan at Karen at maging ganap na “Matanglawin” adventurers?

Huwag palalampasin ang unang bahagi ng two-part Albay adventure ng “Matanglawin” ngayong Linggo (Feb 10), 9:15 AM sa ABS-CBN.

0 comments:

Post a Comment

 
Copyright 2009 Pinoy Showbiz Blogger. Powered by Blogger Blogger Templates create by Deluxe Templates. Premium Wordpress Themes | Premium Wordpress Themes | Free Icons | wordpress theme
Wordpress Themes. Blogger Templates by Blogger Templates and Blogger Templates