Tuesday, February 26, 2013

Pinoy MasterChef JR Royol gets grilled in ‘Bottomline’

Matapos mapabilib ang buong bansa sa kanyang kakaibang ‘bigorot’ finale dish, sasabak naman sa kakaibang gisahan sa “The Bottomline With Boy Abunda” ngayong Sabado (Marso 2) ang kauna-unahang grand winner ng “MasterChef Pinoy Edition” na si JR Royol.

JR Royol

Sa “Bottomline” ay ibabahagi ni Chef JR ang mga pagsubok na kanyang pinagdaanan bago narating ang tugatog ng tagumpay. Naging balakid nga ba sa kanyang kabataan ang pagiging isang Igorot? Paano binago ng “MasterChef Pinoy Edition” ang kanyang buhay? Sa kabila ng kanyang tinatamasang tagumpay, ano ang mga bagay na pinagsisihan ni JR na kanyang nais ayusin?

Huwag palampasin ang kwento ni JR sa 2012 PMPC Best Public Affairs Program na “The Bottomline with Boy Abunda” ngayong Sabado, 11:30 ng gabi, pagkatapos ng “Banana Split” sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on lamang sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.

0 comments:

Post a Comment

 
Copyright 2009 Pinoy Showbiz Blogger. Powered by Blogger Blogger Templates create by Deluxe Templates. Premium Wordpress Themes | Premium Wordpress Themes | Free Icons | wordpress theme
Wordpress Themes. Blogger Templates by Blogger Templates and Blogger Templates