Wednesday, February 27, 2013

Dingdong Dantes tampok sa StarStudio

Hitik sa mga litrato nina Dingdong Dantes at nobyang si Marian Rivera ang unang StarStudio solo cover ng Metro Manila Film Festival Best Actor Awardee.

Dingdong Dantes covers StarStudio March 2013

Ikukuwento ni Dingdong ang mga di-malilimutang pangyayari sa kanyang buhay sa pamamagitan ng exclusive photographs mula sa kanyang trips kasama si Marian sa Barcelona, Spain, Angkor Wat, at Amanpulo, Palawan.

Ipapakita rin ni Dingdong sa unang pagkakaton ang mga pinakabagong karagdagan sa kanyang koleksyon ng mga sasakyan: ang kanyang Chevrolet Corvette at Ducati Diavel na regalo sa kanya ni Marian.
Maliban sa nakakakilig na mga litrato nina Dingdong at Marian, hindi mawawala ang mga litrato ng pinakasikat na Kapamilya stars na nagpunta sa iba’t ibang tourist destinations sa mundo. Kung sino sila, abangan na lamang sa Big Summer Travel Special ng StarStudio kung saan tampok din ang latest summer celebrity styles at travel accessories para sa mga naghahanda nang mag-impake para sa kanilang nalalapit na summer trips!

Lahat ng ito at marami pang iba sa StarStudio magazine, available na sa lahat ng bookstores at newsstands nationwide. Hatid ito sa inyo ng ABS-CBN Publishing.

0 comments:

Post a Comment

 
Copyright 2009 Pinoy Showbiz Blogger. Powered by Blogger Blogger Templates create by Deluxe Templates. Premium Wordpress Themes | Premium Wordpress Themes | Free Icons | wordpress theme
Wordpress Themes. Blogger Templates by Blogger Templates and Blogger Templates