Tuesday, February 26, 2013

Maja Salvador ibubuhos ang saloobin sa Chalk magazine

Pagkalipas ng apat na taon, magbabalik bilang covergirl ng Chalk Magazine ngayong Marso ang aktres na si Maja Salvador kung saan magbibigay siya ng saloobin tungkol sa kanyang career at pamilya.

Maja Salvador on Chalk March 2013 cover

Sa panayam sa kanya ni Toff de Venecia ng Chalk, ibubuhos ni Maja ang kanyang pasasalamat sa management na nagbigay sa kanya ng pagkakataon na maging isa sa tinitingalang artista ng kanyang henerasyon.

Natanggap ni Maja ang kanyang unang acting award sa pagkapanalo niya bilang best actress sa Gawad Urian para sa kanyang pag-arte sa independent film na “Thelma”. Sa kasalukuyan, parte si Maja ng top-rating teleserye gabi-gabi na “Ina Kapatid Anak”.

Masasabing isa nang matagumpay na aktres si Maja ngunit ayon sa kanya, minsan may insecurity pa rin siyang nadarama. “Minsan tinatanong ko sa sarili ko kung tama ba ang ginagawa ko,” aniya.

Ikukuwento rin ni Maja ang mga sakripisyong ginawa niya noong 14-taong-gulang siya kung saan imbis na mag-enjoy siya bilang isang high school student ay naghahanap-buhay na siya, ang kanilang unang pagkikita ng amang si Ross Rival na namatay noong 2007, at ang kanyang pangarap na makapag-aral ng Culinary Arts sa hinaharap upang sundan ang yapak ng iniidolong si Judy Ann Santos.

Kilalaning mabuti si Maja na tinaguriang “Dance Princess of the Philippines” sa March issue ng Chalk Magazine kung saan ipagdiriwang ang graduation month. Mababasa rin sa numero unong campus magazine ang mga advice ng 10 stylish professionals kung paano makahanap ng trabaho sa fashion industry, after graduation tips mula kay Kean Cipriano ng Callalily, at ang pinakabago sa mundo ng fashion at makeup. Available na ang March issue ng Chalk Magazine sa lahat ng newsstands nationwide at sa iTunes App Store.

0 comments:

Post a Comment

 
Copyright 2009 Pinoy Showbiz Blogger. Powered by Blogger Blogger Templates create by Deluxe Templates. Premium Wordpress Themes | Premium Wordpress Themes | Free Icons | wordpress theme
Wordpress Themes. Blogger Templates by Blogger Templates and Blogger Templates