Thursday, February 21, 2013

'MMK' Valentine's episode nanguna; Jane Oineza, nominated sa New York Fest

No.1 overall weekend TV program sa buong Pilipinas ang Valentine’s episode ng “Maalaala Mo Kaya” noong Sabado (Pebrero 16). Ang episode na pinagbidahan nina Ketchup Eusebio at Meg Imperial ay humataw ng 37% national TV ratings ayon sa datos ng Kantar Media. Nilamangan nito ng 21.1 puntos ang katapat nitong programa sa GMA na “Magpakailanman” na nakakuha lamang ng 15.9% national TV ratings.

'MMK' Valentine's episode nanguna; Jane Oineza, nominated sa New York Fest

Higit pang kuminang ang “MMK” kamakailan dahil sa pinakabagong pagkilalang nasungkit nito sa prestiyosong 2013 New York Festivals (NYF) World’s Best Television and Film, kung saan nominado sa Best Performance By An Actress category ang Kapamilya teen actress na si Jane Oineza, ang bida ng kontrobersyal na “Manika” episode noong nakaraang taon.

“Ang ‘MMK’ po ang nagbigay sa akin ng break.’Yun po ang first kong lead role at binigay ko po talaga ang best ko,” ani Jane na gumanap sa episode bilang si Nene, ang batang inabuso ng amain sa harap ng kanyang ina. “Malaking honor po kasi ang maging part ng ‘MMK.’ Alam naman po natin na bawat episode nila, may puso at may aral na matututunan. Bawat kwento po nila talagang pinaghahandaan.”

Samantala, isa na namang heavy family drama episode ang handog ng “MMK” ngayong Sabado (Pebrero 23) tampok ang premyadong aktres na si Boots Anson-Roa. Sa kwento, gagampanan ni Boots ang karakter ni Tesa, isang babaeng hinalay ng kanyang kuya na pilit ikinubli ang katotohanan para sa katahimikan ng kanyang pamilya.

Bukod kay Boots, tampok rin sa upcoming “MMK” episode sina Assunta De Rossi, Dimples Romana, Sofia Andres, Allan Paule, Lito Pimentel, Carl John Barrameda, Lander Vera Perez, Laisa Comia, Jillian Aguila, Eda Nolan, at Tess Antonio. Ang episode ay sa ilalim ng pagsasaliksik ni Alex Martin, sinulat ni Benson Logronio at Arah Jell Badayos, at direksyon ni Czarina Mae Cruz.

Huwag palampasin ang de-kalibreng heavy family drama episode ng “MMK” ngayong Sabado, pagkatapos ng “Wansapanataym,” sa ABS-CBN. Para sa iba pang updates, mag log on sa www.mmk.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-“like” ang www.facebook.com/MMKOfficial.

0 comments:

Post a Comment

 
Copyright 2009 Pinoy Showbiz Blogger. Powered by Blogger Blogger Templates create by Deluxe Templates. Premium Wordpress Themes | Premium Wordpress Themes | Free Icons | wordpress theme
Wordpress Themes. Blogger Templates by Blogger Templates and Blogger Templates