Wednesday, February 06, 2013

Team Graduates at Team Bulilit, Maghaharap!

Magbabalik ang mga galing ng “Goin’ Bulilit” na sina Julia Montes, Kathryn Bernardo, Ella Cruz, Miles Ocampo, Sharlene San Pedro, Nash Aguas at iba pa upang makipag-tagisan sa current bulilits sa paghahatid ng katatawanan ngayong Linggo (February 10).

Goin' Bulilit

Abangan ang kanilang anniversary at birthday party gags at segments tulad ng “Sigaw Family The Next Generation”, “Ang Corny” at musical sa saliw ng pinaghalong kanta ng Hagibis at One Direction. Magtatambal naman muli sina Kiray at Hopia sa kanilang segment na “Ang Fairy” at magpapasiklaban sa isang nakakakiliting laro ang team graduates at team bulilit.

Goin' Bulilit

Para naman sa kanilang pinakabagong segment na “Cute and A”, makakapanayam ng kids ang senatorial candidate na si Cynthia Villar.

Samantala, magkakaroon ng malawakang audition para sa mga batang nais makasali sa kwelang gang ng “Goin’ Bulilit ngayong Biyernes (February 8). Bukas ito sa mga batang may edad 5 – 8 taong gulang na may galing sa pag-awit, pagsasayaw at pagpapatawa. Gaganapin ang auditions simula 9:00 am hanggang 12:00 nn sa ABS-CBN Compound, ELJ Center Road.

Huwag palampasin ang kakaibang kulitan at pagalingan ng graduates at bulilits ngayong Linggo (February 10) pagkatapos ng “TV Patrol Weekend” sa ABS-CBN.

0 comments:

Post a Comment

 
Copyright 2009 Pinoy Showbiz Blogger. Powered by Blogger Blogger Templates create by Deluxe Templates. Premium Wordpress Themes | Premium Wordpress Themes | Free Icons | wordpress theme
Wordpress Themes. Blogger Templates by Blogger Templates and Blogger Templates