Saturday, February 09, 2013

“Ohhlala Couple” Makikilala na sa Lunes

Mapapa-ohhlala ka sa kilig at katatawanang hatid ng nagbabalik-telebisyon na reyna ng Asianovela na si Kim Jung Eun sa pinakabagong Koreanovelang handog ng ABS-CBN simula Lunes (Feb 9), ang “Ohhlala Couple.”

Ohhlala Couple

Matapos ang kanyang matagumpay na mga serye na umere sa ABS-CBN tulad ng “Lovers in Paris,” “Lovers,” “Princess Lulu,” at “I am Legend,” si Jung Eun ay muling magpapakilig sa kanyang pagganap bilang isang lalaking nakulong sa katawan ng isang babae.

Isang butihing asawa si Vanessa kay Jonathan. Sa loob ng 12 taon ay pinagsilbihan niya ito at naging mapagmahal ding ina sa kanilang anak. Ngunit sa kabila ng lahat ng paghihirap ni Vanessa ay sisirain lng ng kataksilan ang kanilang pagsasama.

Dahil sa pakikipag-apid ni Jonathan ay mapagdedesisyunan ni Vanessa na makipaghiwalay na at sa araw na naaprubahan na ang kanilang diborsyo ay mahaharap sila sa isang aksidente.

Sa kanilang paggising, mamamalayan nilang sila ay nagkapalit na ng katawan. Ang kaluluwa ni Vanessa ay nasa katawan na ni Jonathan habang ang kaluluwa ni Jonathan naman ay na kay Vanessa.

Kinakailangan ngayong magtulungan ng ex-couple para maibalik ang dati nilang mga sarili. Kasabay nito ay kailangan din nilang ikubli sa kanilang mga manugang, anak, at  mga kaibigan ang kalagayan nila.

Malusutan pa kaya nila ang gusot na ito? Ano ang matutuklasan nila sa isa’t isa habang hindi pa sila bumabalik sa kanilang totoong na katawan? Maibalik pa kaya nila ang dating pagtitinginan?

Mas magiging exciting na ang umaga dahil back-to-back na ang Koreanovelang handog ng Kapamilya Network. Huwag palalampasin ang pag-uumpisa ng “Ohhlala Couple” ngayong Lunes (Feb 9), 10:15 AM, pagkatapos ng mas tumitinding “You’re Still the One,” sa Umaganda ng ABS-CBN.

0 comments:

Post a Comment

 
Copyright 2009 Pinoy Showbiz Blogger. Powered by Blogger Blogger Templates create by Deluxe Templates. Premium Wordpress Themes | Premium Wordpress Themes | Free Icons | wordpress theme
Wordpress Themes. Blogger Templates by Blogger Templates and Blogger Templates