Sunday, February 24, 2013

‘Kris TV’ mamimigay ng luxury bag, hi-tech gadgets, at special trips sa hottest summer destination!

Bilang doube celebration ng kanyang 42nd birthday at 18th year bilang Kapamilya sa ABS-CBN, buong-pusong inihahandog ng Queen of All Media na si Kris Aquino sa kanyang fans ang “Love, Love, Love ni Kris,” ang engrandeng two-day gift-giving event na gaganapin ngayong Lunes at Martes (Pebrero 25 at 26) sa hit Kapamilya morning show na “Kris TV.”

Kris TV

Nakatakdang lumikha ng kasaysayan sa Philippine television ang “Kris TV” dahil sa dami ng magarbong regalo para sa 60 deserving winners na may mga nakai-inspire na kwentong buhay. Apatnapu’t dalawang TV viewers, na nagre-represent ng 42nd birthday ni Kris, ang masusing pinili sa pamamagitan ng Twitter ang may pagkakataong manalo ng halos 100 personal favorites ni Kris kabilang na ang ilang beauty products, pagkain, appliances, at latest fashion staples. Samantala, 18 loyal “Kris TV” supporters naman, na sumisimbolo sa 18 years ni Kris sa ABS-CBN, ang mag-e-enjoy sa mga natatanging handog ng mga espesyal na kaibigan ni Kris kabilang ang bonggang shopping spree, luxury bag, hottest gadgets, at luxurious trips sa ilan sa hottest summer destinations sa bansa.

Dahil na rin sa tinanggap na parangal kamakailan bilang Most Outstanding Personality in the Philippines sa field of advertising, ang “Love, Love, Love ni Kris” ay magsisilbi ring espesyal na paraan ni Kris upang pasalamatan ang ang lahat ng kanyang fans na dahilan upang tanghalin siyang no. 1 endorser sa Pilipinas.

Makipagdiwang kasama si Kris at co-hosts niyang sina Melai Cantiveros at Jason Francisco at huwag palampasin ang grandest gift-giving event on television sa “Kris TV,” ngayong Lunes at Martes, 8am, pagkatapos ng ‘Umagang Kay Ganda’ sa ‘UmaGanda’ block ng ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on lamang sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.

0 comments:

Post a Comment

 
Copyright 2009 Pinoy Showbiz Blogger. Powered by Blogger Blogger Templates create by Deluxe Templates. Premium Wordpress Themes | Premium Wordpress Themes | Free Icons | wordpress theme
Wordpress Themes. Blogger Templates by Blogger Templates and Blogger Templates