Hinakot ng ABS-CBN ang karamihan sa mga parangal mula sa apat na magkakaibang university award-giving bodies, kabilang na ang Best TV Station of the Year at tatlong Hall of Fame awards mula sa Gawad Tanglaw.
Patunay na mas pinipili ng mga estudyante at propesor ang ABS-CBN ang 82 awards na natanggap ng mga programa at personalidad nito sa radyo at telebisyon mula sa Gawad Tanglaw ng mga iskolar at guro ng Jose Rizal University, Philippine Women’s University, University of Perpetual Help System, Colegio De San Juan de Letran at iba pang unibersidad, USTv Students’ Choice Awards ng University of Sto. Tomas, Hildegarde Awards for Women in Media and Communication ng Scholastica College Manila, Students’ Choice Awards for Radio and TV ng Northwest Samar State University (NWSSU), at Gandingan: Isko’t Iska’t Broadcast Choice Awards ng University of the Philippines-Los Baños.
Dalawampu’t anim na awards ang nakuha ng Kapamilya network mula sa ika-11 Gawad Tanglaw, habang 13 naman sa GMA at apat sa TV5. ABS-CBN din ang nakakuha ng 20 trophies sa USTv Awards, ang pinakamaraming naiuwi ng isang TV network, habang may 10 ang GMA at isa ang TV5.
Kinilala rin ang educational program na “Matanglawin” at ang “Aksyon Ngayon” ng DZMM nina Kaye Dacer at Julius Babao sa Hildegarde Awards para sa kanilang natatanging kontribusyon sa broadcast journalism.
Nakakuha ng 13 parangal ang ABS-CBN sa NWSSU Awards, habang wagi ito ng 21 awards sa UP Gandingan, kasama na ang pinakamataas na pagkilalang Most Development-Oriented TV Station at Best AM Station para sa DZMM.
Talagang pinagkaguluhan at tinilian ng mga estudyante ang lead stars ng “Be Careful With My Heart” na sina Jodi Sta. Maria at Richard Yap sa parehong awards night ng Gawad Tanglaw at USTv na ginanap noong Marso 7.
Kumpleto ang cast ng naturang top-rating program upang personal na magpasalamat sa patuloy na pagtatangkilik ng publiko at tanggapin ang mga parangal na Best Daily Local Soap Opera at Best Ensemble Performance awards sa USTv at Best Ensemble Performance at Best TV series naman sa Gawad Tanglaw.
Samantala, nailuklok naman ang “Umagang Kay Ganda,” “Maalaala Mo Kaya” at “DZMM” sa Hall of Fame ng Gawad Tanglaw dahil sa limang beses na pagkakapanalo ng mga ito bilang Best Morning Show, Best Drama Anthology at Best AM Station.
Pinakinang din ang Gawad Tanglaw ng dumalong Kapamilya stars sa pangunguna ni Gerald Anderson, na nagdiwang ng kaarawan sa naturang gabi ng parangal at tinanggap ang Best Performance by an Actor award bilang “Budoy” na aniya’y maituturing na isang espesyal na birthday gift. Wagi rin ng parehong award si Coco Martin para sa “Walang Hanggan.”
Tunay ring namayagpag sa Gawad Tanglaw ang husay sa drama ng ABS-CBN nang makuha nina Helen Gamboa at Janice de Belen ang Best Performance by an Actress para sa “Walang Hanggan” at “Budoy.” Pinarangalan din ang pagganap nina Carlo Aquino at Dimples Romana sa magkaibang episodes ng “MMK” ng Best Performance by an Actor at Best Performance by an Actress.
Star of the night naman ng USTv kung maituturing si Angel Locsin na nasungkit ang kauna-unahang Students’ Leader Choice of TV Personality para sa kanyang pagiging isang huwarang personalidad na hindi lamang angat sa kanyang propesyon kundi may puso ring mag-kawang gawa at magsilbi sa kapwa.
Natanggap naman ng Queen of All Media na si Kris Aquino ang Student’s Choice of Talk Variety Show Host award para sa “Kris TV.” Kinilala din si Direk Chito Rono para sa “The Healing” ng Star Cinema bilang Students’ Choice of Local Full Length Film.
Bumida sa parehong Gawad Tanglaw at USTv ang ABS-CBN News and Current Affairs. Sa Gawad Tanglaw, panalo si Pinky Webb bilang Best News Anchor, “TV Patrol Weekend” bilang Best news Program, “Rated K” bilang Best Magazine Show, at “SOCO” bilang Best Investigative Program. ANC rin ang pinakapinarangalang news channel ngayong taon dahil sa pag-uwi nito ng apat na awards habang may dalawa naman ang GMA News TV.
Sa USTv, pinangalanan si Ted Failon bilang Students’ Choice of Male News and Current/Public Affairs Host para sa “Failon Ngayon,” na hinirang ding Students’ Choice of Investigative Program. “The Bottomline” ang itinanghal na Students’ Choice of Public Affairs Show, “Ako ang Simula” ang Students’ Choice of Public Service Program, at ang “TV Patrol” ang Students’ Choice of Local News and Current/Public Affairs Program.
Narito ang listahan ng mga parangal ng ABS-CBN sa Gawad Tanglaw, USTv Students Choice Awards, NwSSU Students’ Choice Awards, at Gandingan:
USTv STUDENTS CHOICE AWARDS:
EDUCATIONAL PROGRAM- Matanglawin
INVESTIGATIVE PROGRAM- Failon Ngayon
PUBLIC AFFAIRS TALK SHOW -The Bottomline
ENTERTAINMENT NEWS PROGRAM- The Buzz
ENTERTAINMENT NEWS HOST- Boy Abunda, The Buzz
LOCAL NEWS AND CURRENT/PUBLIC AFFAIRS PROGRAM- TV Patrol
MALE NEWS AND CURRENT/PUBLIC AFFAIRS HOST- Ted Failon, Failon Ngayon
FOREIGN SOAP OPERA- Dream High
PUBLIC SERVICE PROGRAM- Ako ang Simula
TALK VARIETY SHOW HOST- Kris Aquino (Kris TV)
VARIETY SHOW- It’s Showtime
VARIETY SHOW HOST- Anne Curtis (It’s Showtime)
GAME SHOW- Kapamilya Deal or No Deal
GAME SHOW HOST- Luis Manzano (Kapamilya Deal or No Deal)
DAILY LOCAL SOAP OPERA- Be Careful with My Heart
BEST ENSEMBLE PERFORMANCE - Cast of “Be Careful With My Heart”
DRAMA PROGRAM- Malaala Mo Kaya
NETWORK FOUNDATION- ABS-CBN Foundation, Inc.
LOCAL FULL LENGTH FILM- The Healing
STUDENT LEADERS’ CHOICE OF TV PERSONALITY- Angel Locsin
GAWAD TANGLAW:
BEST NEWS PROGRAM – TV PATROL WEEKEND
BEST NEWS PROGRAM ANCHORS – PINKY WEBB (TV Patrol Weekend)
BEST EDUCATIONAL PROGRAM – MATANGLAWIN
BEST TALENT SEARCH PROGRAM – PILIPINAS GOT TALENT
BEST TV DOCUMENTARY – STORYLINE (ANC 27)
BEST INVESTIGATIVE PROGRAM – SOCO
BEST TRAVEL SHOW – TRAVEL TIME (ANC 27)
BEST SPORTS PROGRAM – SPORTS UNLIMITED
BEST VARIETY SHOW – ASAP
BEST BUSINESS TV PROGRAM – ON THE MONEY (ANC 27)
BEST TV TALK SHOW – TALKBACK WITH TINA MONZON PALMA (ANC 27)
BEST MAGAZINE SHOW – RATED K
BEST TV SERIES – BE CAREFUL WITH MY HEART
BEST PERFORMANCE BY AN ACTOR – CARLO AQUINO (PULANG LASO MMK)
BEST PERFORMANCE BY AN ACTRESS – DIMPLES ROMANA (RELO MMK)
BEST PERFORMANCE BY AN ACTOR (TV SERIES) – GERALD ANDERSON (BUDOY) and COCO MARTIN (WALANG HANGGAN)
BEST PERFORMANCE BY AN ACTRESS (TV SERIES) – MS. JANICE DE BELEN (BUDOY) and MS. HELEN GAMBOA (WALANG HANGGAN)
BEST ENSEMBLE PERFORMANCE (TV SERIES) – JODI STA. MARIA, RICHARD YAP, AIZA SEGUERRA, TOM RODRIGUEZ, MUTYA ORQUIA, SYLVIA SANCHEZ, DIVINA VALENCIA (BE CAREFUL WITH MY HEART)
BEST TV STATION OF THE YEAR – ABS-CBN 2
NATATANGING GAWAD SA TV EDUKASYON – BUDOY
HALL OF FAME –
BEST MORNING SHOW UMAGANG KAY GANDA
BEST DRAMA ANTHOLOGY – MAALAALA MO KAYA
BEST AM STATION – DZMM
BEST RADIO ANCHORS – ANTHONY TABERNA AND GERRY BAJA (DOS POR DOS DZMM)
HILDEGARDE AWARDS FOR WOMEN IN MEDIA AND COMMUNICATION
BROADCAST JOURNALISM – Matanglawin, Aksyon Ngayon (DZMM)
NWSSU STUDENTS’ CHOICE AWARDS FOR RADIO AND TELEVISION:
BEST EDUCATIONAL PROGRAM- Matanglawin
BEST EDUCATIONAL PROGRAM HOST- Kim Atienza
BEST VARIETY SHOW- ASAP ROCKS
BEST VARIETY SHOW HOST- Gary Valenciano
BEST TALK SHOW- Gandang Gabi Vice
BEST TALK SHOW HOST- Vice Ganda
BEST PRIMETIME TELESERYE- Budoy
BEST CHILD STAR IN PRIMETIME TELESERYE- Xyriel Manabat
BEST ACTOR IN PRIMETIME TELESERYE- Gerald Anderson
BEST REALITY SHOW- Pilipinas Got Talent
BEST REALITY SHOW HOST- Billy Crawford
BEST SHOWBIZ ORIENTED PROGRAM- The Buzz
BEST SHOWBIZ ORIENTED PROGRAM HOST- Boy Abunda
GANDINGAN:
BEST MORNING SHOW - Umagang Kay Ganda
BEST MORNING SHOW HOSTS - Umagang Kay Ganda Hosts
BEST DISC JOCK - DJ ChaCha, Tambayan 101.9
BEST AM STATION - DZMM Silver Radyo
BEST AM ANNOUNCER - Ted Failon for Failon Ngayon sa DZMM
BEST INVESTIGATIVE PROGRAM HOST - Ted Failon for Failon Ngayon
BEST MAGAZINE PROGRAM - Rated K
BEST MAGAZINE PROGRAM HOSTS - Korina Sanchez for Rated K
BEST WOMEN-ORIENTED PROGRAM - Us Girls, Studio 23
GANDINGAN NG KABABAIHAN - Us Girls Hosts, Studio 23
BEST DEVELOPMENT-ORIENTED TALK SHOW - The Bottomline with Boy Abunda, ABS-CBN 2
BEST DEVELOPMENT-ORIENTED TALK SHOW HOST - Boy Abunda for The Bottomline with Boy Abunda
BEST AM PROGRAM - Radyo Negosyo, DZMM
BEST FM PROGRAM - Anong Meron?, Tambayan 101.9
BEST EDUCATIONAL PROGRAM – Matanglawin
GANDINGAN NG EDUKASYON - Kuya Kim Atienza for Matanglawin
GANDINGAN NG KALIKASAN - Kuya Kim Atienza for Matanglawin 2
GANDINGAN NG KABUHAYAN - Carl Balita for Radyo Negosyo, DZMM
BEST DEVELOPMENT-ORIENTED TELEVISION PLUG - Pagbangon
GANDINGAN NG PINILAKANG TABING - ABS-CBN
BEST DEVELOPMENT-ORIENTED- TELEVISION STATION - ABS-CBN
0 comments:
Post a Comment