Saturday, March 23, 2013

Maya at Sir Chief, lilipad sa Middle East ngayong Holy Week

Sa Huwebes (Marso 28) na ang simula ng pinakaaabangang world tour ng no.1 kilig-serye sa bansa na “Be Careful With My Heart” kung saan personal na makikisaya sa Kapamilya fans overseas ang cast ng show sa pangunguna nina Maya (Jodi Sta. Maria) at Sir Chief (Richard Yap).

Be Careful With My Heart World Tour

Sa pakikipagtulungan ng The Filipino Channel (TFC), ang kick-off ng world tour sa Marso 28 ay itatanghal sa Abu Dhabi, Du Forum, Yas Island sa ganap na 9pm hanggang 10:30pm. Sa Marso 29 (Biyernes) naman ay dadayo sina Maya at Sir Chief sa Dubai, Indian High School, Oud Metha Dubai para sa special treat nila mula 8pm hanggang 9:30pm.

Sa mga TFC subscriber na nais makisaya sa “Be Careful With My Heart” world tour sa Middle East, maaari lamang tumawag sa mga numerong 0506708699 at 0529089789.

Pagkatapos ng tour sa Middle East, US at Canada naman ang next stops ng cast ng “Be Careful With My Heart.” Magsasabog ng good vibes sa Los Angeles sina Maya at Sir Chief sa Mayo 10 (Biyernes) at sa Florida sa Mayo 12 (Linggo). Makiki-join rin ang cast sa “One Kapamilya Go!” event sa Mayo 19 (Linggo) na gaganapin sa Metro Toronto Convention Centre sa Toronto, Canada.

Patuloy na tutukan ang ang bagong paboritong panaghalian ng bayan, “Be Careful With My Heart,” araw-araw, 11:45am, pagkatapos ng “Minute To Win It” sa Primetanghali ng ABS-CBN. Huwag ring palampasin ang “Be Careful With My Heart Sabado Rewind” tuwing Sabado, 10:30 am, bago mag-”It’s Showtime.”

Para sa karagdagang impormasyon, mag-log on sa www.abs-cbn.com, sundan ang @becarefulheart sa Twitter; at i-’like’ ang official Facebook fanpage ng show sa www.facebook.com/becarefulwithmyheartofficial.

0 comments:

Post a Comment

 
Copyright 2009 Pinoy Showbiz Blogger. Powered by Blogger Blogger Templates create by Deluxe Templates. Premium Wordpress Themes | Premium Wordpress Themes | Free Icons | wordpress theme
Wordpress Themes. Blogger Templates by Blogger Templates and Blogger Templates