Wednesday, March 13, 2013

First kiss nina Maya and Sir Chief, hit na hit sa Twitter

Tinutukan at pinag-usapan ng buong bayan ang pinakahihintay na first kiss ng no.1 love team sa daytime TV na sina Maya (Jodi Sta. Maria) at Sir Chief (Richard Yap). Patunay dito ang latest data mula sa Kantar Media noong Martes (Marso 12) kung kailan humataw ang “Be Careful With My Heart” ng 26.4% national TV ratings o, 13 puntos na kalamangan kumpara sa 13.4% na nakuha ng katapat nitong programa sa GMA na “Eat Bulaga.”

image

Bukod sa national TV ratings, wagi rin ang ‘first kiss’ episode maging sa sikat na microblogging site na Twitter. Ilang oras na trending topic nationwide ang hashtag na #SerChiefandMayaNationalKissDay. Hot topic sa netizens ang sorpresang halik sa pisngi ni Sir Chief kay Maya matapos ang pinakaaabangang Junior-Senior Prom Night nina Luke (Jerome Ponce) at Nikki (Janella Salvador).

Samantala, pinagkaguluhan kamakailan ng mga estudyante ang buong cast ng “Be Careful With My Heart,” na pinangunahan nina Jodi at Richard, sa parehong awards night ng 11th Gawad Tanglaw at 9th USTv Students Choice Awards.

Dumalo sa parehong gabi ng parangal ang cast ng no. 1 daytime TV program ng bansa upang personal na magpasalamat sa iginawad na Best Ensemble Performance at Best TV series ng Gawad Tanglaw at Best Daily Local Soap Opera at Best Ensemble Performance awards naman ng USTv.

Patuloy na tutukan ang ang paboritong panaghalian ng bayan, “Be Careful With My Heart,” araw-araw, 11:45am, pagkatapos ng “Minute To Win It” sa Primetanghali ng ABS-CBN.

0 comments:

Post a Comment

 
Copyright 2009 Pinoy Showbiz Blogger. Powered by Blogger Blogger Templates create by Deluxe Templates. Premium Wordpress Themes | Premium Wordpress Themes | Free Icons | wordpress theme
Wordpress Themes. Blogger Templates by Blogger Templates and Blogger Templates