Monday, March 11, 2013

Dating kasintahan, naging stalker sa ‘Engkwentro’

Uusisain ni Karen Davila ang hidwaan ng isang babae at ng dati niyang karelasyon na sinusundan siya kahit saan bukas (March 12) sa “Pinoy True Stories: Engkwentro.”

Karen Davila

Isinumbong na ni Jovelle ang kanyang problema sa barangay sa pangamba para sa kanyang kaligtasan. Natatakot daw siya dahil palagi siyang sinusundan at binabantayan na parang stalker ng ex-boyfriend na si Rodel maging sa kanyang pinagtatrabahuhan.

Magkaayos pa kaya sina Jovelle at Rodel? Matigilan na kaya ni Rodel ang maging stalker sa dating kasintahan?

Samantala, isasalaysay naman nina Maan Macapagal at Dominic Almelor sa “Pinoy True Stories: Saklolo” ngayong Miyekules (March 13) ang naging pagtulong sa 51-anyos na si “Marlon” na 30 taon nang nakulong sa isang kwartong naka-rehas dahil sa kanyang sakit sa isip at pagiging bayolente.

Bagamat inaalagan ng kanyang kapatid, kailangan nang sagipin si Marlon dahil nagkaroon na ito nang pulmonya at kailangang mapagamot.

Tutukan ang “Engkwentro” bukas (March 12) at ang “Saklolo” ngayong Miyerkules (March 13), 4:45 ng hapon sa ABS-CBN Kapamilya Gold. Subaybayan din ang ibang mga bagong “Pinoy True Stories” hatid ng ABS-CBN News and Current Affairs, tulad ng “Bistado” ni Julius Babao tuwing Lunes, “Demandahan” ni Anthony Taberna tuwing Huwebes, at “Hiwaga” ni Atom Araullo tuwing Biyernes. Para sa updates, sundan ang @PinoyTruStories sa Twitter.

0 comments:

Post a Comment

 
Copyright 2009 Pinoy Showbiz Blogger. Powered by Blogger Blogger Templates create by Deluxe Templates. Premium Wordpress Themes | Premium Wordpress Themes | Free Icons | wordpress theme
Wordpress Themes. Blogger Templates by Blogger Templates and Blogger Templates