Saturday, March 23, 2013

Pilot week ng ‘Little Champ,’ kinabog ang kalabang Koreanovela

Mainit na tinanggap ng publiko ang pinakabagong Kapamilya fantaserye na “Little Champ” na agad na nilampaso sa ratings ang katapat nitong programa sa kalabang istasyon.

Little Champ

Base sa datos ng Kantar Media, nagtala ang pilot episode nito noong Lunes (Marso 18) ng national TV rating na 17%, o anim na puntos ang lamang sa kalabang programang “Smile Donghae” ng GMA 7 na nakakuha lamang ng 10.6%.

Kaya naman labis-labis ang pasasalamat ng buong cast at crew dahil sa pagyakap ng publiko sa programa sa buong pilot week nito.

Marami pang mas kapanapabik na eksenang dapat abangan sa “Little Champ.” Kabilang na dito ang paglabas ng karakter ngayong Lunes (Mar 25) ng isa sa mga hari ng aksyon at pelikulang Pinoy na si Lito Lapid na gaganap bilang si “Amang Leon.” Ano ang magiging papel niya sa buhay ng matalik na magkaibigan na sina Caloy (JB Agustin) at Chalk?

Sa episode sa susunod na linggo, mauudlot ang pagtakas nina Caloy at ina nitong si Helen (Lara Quigaman) sa paglubog ng barkong sinasakyan nila. Magkakahiwalay ang mag-ina sa gitna ng kaguluhan habang maililigtas ng kabayong si Chalk ang kanyang na bespren na si Caloy.

Ano na kayang mangyayari kay Caloy gayong si Chalk na lang ang magiging kaagapay niya sa buhay? Anong pagsubok ang harapin ng magkaibigan?

Sa unang linggo nito, nasaksihan ang nakatutuwang pagkakaibigan ni Caloy at Chalk. Nagsimula na rin ang mga matinding pagsubok sa pamilya ni Caloy, ang galit at paghihiganti ni Miguel (Jake Roxas), pati na ang pagkakaroon ng kapangyarihan at kakaibang lakas ni Chalk at ni Miguel na magiging matindi nilang kaaway.

Tunghayan ang kakaibang kuwento ng pagkakaibigan, pamilya at kabayanihan sa “Little Champ” tuwing hapon bago mag “TV Patrol” sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates at feeback kaugnay ng programa, i-’like’ ang official Facebook fanpage ng “Little Champ” sa http://www.facebook.com/LittleChampOfficial at sundan ang @LChampOfficial sa Twitter.

Samantala, makipag-bonding at abangan ang paglilibot ng mga child wonder ng “Little Champ” na sina JB Agustin at Sofia Millares sa iba’t-ibang malls sa Metro Manila sa Easter Sunday (Mar 31). Makakabili na rin ng Little Champ toy horses, costume, accessories at iba pang items sa mga leading toy stores nationwide.

0 comments:

Post a Comment

 
Copyright 2009 Pinoy Showbiz Blogger. Powered by Blogger Blogger Templates create by Deluxe Templates. Premium Wordpress Themes | Premium Wordpress Themes | Free Icons | wordpress theme
Wordpress Themes. Blogger Templates by Blogger Templates and Blogger Templates