Itatampok nina Maan Macapagal at Dominic Almelor ang kwento ng pakikipagsapalaran ng mag-asawang sinubok ng kapansanan ngayong Miyerkules (March 20) sa “Pinoy True Stories: Saklolo.”
Dating overseas Filipino workers sina Roberto at Marivic na umuwi ng Pilipinas upang bumuo ng kanilang pamilya ngunit hindi nabiyayaan ng anak. Matapos mabulag ang isang mata ni Roberto dahil sa diabetes, napilitan siyang huminto sa pagtatrabaho.
Dahil sa kanyang pagpapagamot, kinailangang kumita ng extra ni Marivic sa pagbebenta ng pansit bukod pa sa pagtatrabaho sa pabrika. Ngunit isang araw ay nabundol si Marivic ng tricycle at nasagasaan pa ng isang truck. Dahil sa pagkakasagasa sa kanyang binti, kinailangan itong putulin. Ang pinoproblema nila ngayon ay kung papaano nila bubuhayin ang isa’t isan gayong pareho na silang hindi makapagtrabaho.
Kasama ang “Saklolo,” tumungo sa isang rehabilitation doctor si Marivic upang makakuha ng libreng artificial leg. Matagal-tagal pa bago masasanay si Marivic maglakad gamit ang artificial leg pero para sa kanya, bawat hakbang ay tungo sa bagong buhay nilang mag-asawa.
Samantala, bangayan naman ng magbiyenan ang itatampok ni Karen Davila sa “Pinoy True Stories: Engkwentro” bukas (March 19). Susubukan ni Jesil na bawiin ang ipinundar niyang bahay mula sa kanyang mga biyenan na ibinenta ito nang wala man lang pasabi sa kanya. Mabawi pa kaya niya ito?
Tutukan ang “Engkwentro” bukas (March 19) at ang “Saklolo” ngayong Miyerkules (March 20), 4:45 ng hapon sa ABS-CBN Kapamilya Gold. Subaybayan din ang ibang mga bagong “Pinoy True Stories” hatid ng ABS-CBN News and Current Affairs, tulad ng “Bistado” ni Julius Babao tuwing Lunes, “Demandahan” ni Anthony Taberna tuwing Huwebes, at “Hiwaga” ni Atom Araullo tuwing Biyernes. Para sa updates, sundan ang @PinoyTruStories sa Twitter.
0 comments:
Post a Comment