Nagpakitang-gilas sa isang public work-out na ginanap sa SM Mall of Asia Music Hall ang Ultimate Fighting Championship (UFC) middleweight contender na si Mark “The Filipino Wrecking Machine” Muñoz kung saan ipinakita niya ang kanyang galing sa wrestling, jiu-jitsu, at ground-and-pound.
Ayon sa Mixed Martial Arts star na nag-training kasama ang Program Marketing Manager ng Balls channel na si Chris Wong, dapat isapuso ang five D’s: Desire, Direction, Diligence, Discipline, at Dedication, upang magtagumpay sa loob at labas ng octagon.
Inaanyayahan rin niya ang mga nais sumama sa kanya sa pagte-training. Aniya, susubukan niyang tulungan ang mga makiki-training sa kanya sa lahat ng moves na alam niya.
Maliban sa training session, nagkaroon din ng isang meet-and-greet kung saan naka-bonding niya ang kanyang fans at pumirma rin siya sa mga Team Muñoz merchandise. Nagpadagdag din sa saya ang palaro ng hosts na sina Boom Gonzales at Mia Cabalfin na pagalingan sa pag-demonstrate ng sikat na “Donkey Kong Punch” ni Muñoz.
Bumalik na si Muñoz sa Estados Unidos upang ipagpatuloy ang kanyang training para sa nalalapit na laban sa July kontra Tim Boetsch sa UFC 162.
Mapapanood ang Mark Muñoz in Manila All Access sa Balls Channel (SkyCable ch. 34 & Destiny Cable ch. 36) sa March 31 (Sunday), 8:30 p.m. Sa pamamagitan ng UFC Media Tour ng Balls Channel, nakarating na sa Pinas ang ilan pang sikat na UFC fighters tulad nina BJ Penn, Chuck Liddell, Brandon Vera, at Georges St-Pierre. Para sa karagdagang updates, bumisita sa www.ballschannel.tv, i-like ang kanilang opisyal na Facebook fan page sa www.facebook.com/BallsChannel at sundan ang @ballschannel sa Twitter.
0 comments:
Post a Comment