Umani ng suporta ang DZMM mula sa alumni ng St. Jude Catholic School batch 1990 sa pareho nilang mithiing itaguyod ang edukasyon sa bansa sa pamamagitan ng ikatlong “DZMM Takbo Para sa Karunugan.”
“Nakita namin ang value ng proyektong pang-edukasyon ng DZMM na advocacy din ng aming grupo. Naniniwala kami na ang edukasyon ang pinakamabisang susi para makaangat at makabangon sa buhay ang mga indibidwal sa pagkamit ng magandang propesyon,” ayon sa batch president na si Francis Yu.
Susuportahan ng Judenites ’90 ang 20 sa 75 iskolar na pinag-aaral ng DZMM mula sa pagtunton ng mga ito sa unang baitang ng elementarya. Pinagtibay ang partnership sa isang pirmahan ng memorandum of agreement (MOA) na dinaluhan nina (left to right) DZMM finance officer Andrew Torcelino, DZMM station manager Marah Faner-Capuyan, SJCS’90 president Francis Yu, ABS-CBN Integrated News and Current Affairs head Ging Reyes, at SJCS’90 secretary Jacquelyn Balila.
Taunang ginaganap ang “DZMM Takbo Para sa Karunungan” para tustusan ang pag-aaral ng mga piling estudyante mula sa Metro Manila at Cagayan De Oro na biktima ng bagyong Ondoy, Sendong at ng Habagat. Ginanap nitong Sabado (Marso 23) ang fun run ngayong taon sa Quirino Grandstand, Manila.
0 comments:
Post a Comment