Monday, March 18, 2013

Vanessa at Jonathan, bumalik na sa kanilang tunay na mga katawan sa ‘Oohlala Couple’

Bumalik na sa dati nilang mga katawan ang pinagpalit na kaluluwa nina Jonathan at Vanessa sa morning romantic-comedy na “Oohlala Couple.”

image

Parehong nalagay sa alanganin ang buhay ng dalawa na siyang nag-udyok para sila ay mabalik sa dati. Si Jonathan, habang nasa katawan ni Vanessa, ay inatake ng hika matapos makita si Victoria na nakabulagta at walang malay sa sahig ng kaniyang hotel room. Si Vanessa naman, habang nasa katawan ni Jonathan, ay nahulog sa pagkakatapak nito sa hagdan habang hinuhugot ang mga naipit na damit sa isang laundry machine.

Ngayong sila ay nagbalik na sa kanilang mga katawan, ano na ang naghihintay sa mag-asawa? Salbahin pa rin kaya ni Jonathan ang pagsasama nila ni Vanessa? O piliinn na nitong makapiling si Victoria? Makukuha pa kaya ni Vanessa na bigyan ng pagkakataon si Jonathan lalo pa’t nakunan siya dala ng nangyari?

Huwag palalampasin ang “Oohlala Couple,” Lunes hanggang Biyernes ng umaga, pagkatapos ng “You’re Still the One” sa first and true home of Asianovelas, ABS-CBN. For more updates on your favorite Asianovelas, follow @KapamilyaNovela on Twitter.

0 comments:

Post a Comment

 
Copyright 2009 Pinoy Showbiz Blogger. Powered by Blogger Blogger Templates create by Deluxe Templates. Premium Wordpress Themes | Premium Wordpress Themes | Free Icons | wordpress theme
Wordpress Themes. Blogger Templates by Blogger Templates and Blogger Templates