Thursday, March 21, 2013

Maja Salvador, Nagpatikim kay Banker

Pinatikim ni Maja Salvador si Banker sa set ng “Kapamilya Deal or No Deal” ng song and dance number na kanyang gagawin sa kanyang nilulutong concert para sa ika-sampung taon niya sa showbiz.

Maja Salvador in Kapamilya Deal Or No Deal

Bigay todo nga si Maja sa paggiling at pagbirit sa pag-asa na mahimok si Banker na lakihan ang halagang io-offer sa kanya sa hit game show. Malakas naman ang kumpiyansa niya na mauuwi niya ang P2 million jackpot dahil kadalasan ay nananalo siya sa mga game show na sinasalihan niya. Umubra kaya si Maja kay Banker? Maging palaban din kaya siya tulad ng papel niya bilang Margaux sa “Ina Kapatid Anak?” Huwag palalampasin ang “Kapamilya Deal or No Deal” ngayong Sabado (Mar 23), pagkatapos ng “TV Patrol Weekend” sa ABS-CBN. Ipahagay ang inyong mga opinyon, reaksyon, at saloobin sa programa sa Twitter gamit ang hashtag na #KapamilyaDOND.

0 comments:

Post a Comment

 
Copyright 2009 Pinoy Showbiz Blogger. Powered by Blogger Blogger Templates create by Deluxe Templates. Premium Wordpress Themes | Premium Wordpress Themes | Free Icons | wordpress theme
Wordpress Themes. Blogger Templates by Blogger Templates and Blogger Templates