Thursday, March 14, 2013

Piolo, Kim, Angeline, Sir Chief at Iba pang Big Stars ng ABS-CBN, Makiki-fiesta sa mga Davaoeño

Back-to-back-to-back treats ang handog sa Davaoeños ng ABS-CBN Regional Network Group (RNG) ngayong weekend kasama ang ilan sa pinakasikat na Kapamilya stars ngayon kabilang sina Piolo Pascual, Kim Chiu, Angeline Quinto at Richard ‘Sir Chief’ Yap bilang pakikilahok sa engrandeng pagdiriwang ng ‘Araw ng Dabaw 2013.’

Kapamilya Stars visit Davao

Ngayong Biyernes (Marso 15), makikanta at makitawa kasama si Angeline at ang “Kahit Konting Pagtingin” co-star niyang si John Lapus sa “Salamat Kapamilya” event na gaganapin ng 4pm sa Abreeza Mall.

Magsasanib-pwersa naman sa Sabado (Marso 16) para sa Kapamilya Karavan ng ABS-CBN RNG ang mga bida ng “Apoy Sa Dagat” na sina Piolo, Diether Ocampo, at Angelica Panganiban; “Be Careful With My Heart” lead actor na si Sir Chief; at ang “Ina, Kapatid, Anak” star na si Maja Salvador. Ang Kapamilya Karavan ay gagawin sa SM City Davao-Parking Lot C sa ganap na 4pm.

Samantala, lilipad rin patungong Durian Capital of the Philippines ang “Ina Kapatid Anak” star na si Kim; “Juan dela Cruz” cast members John Medina at Arron Villaflor; at Kapamilya hunk na si Jason Abalos upang magbigay saya sa isa pang espesyal na “Salamat Kapamilya” event sa darating na Linggo (Marso 17). Gaganapin ito sa Gaisano Mall Entertainment Area simula 4pm.

Pakislapin ang ‘Araw ng Dabaw’ weekend at huwag palampasin ang Kapamilya Karavan at Salamat Kapamilya events na handog ng ABS-CBN RNG.

Ang ABS-CBN Regional Network Group ay ang nationwide TV at radio network ng ABS-CBN Corporation.

0 comments:

Post a Comment

 
Copyright 2009 Pinoy Showbiz Blogger. Powered by Blogger Blogger Templates create by Deluxe Templates. Premium Wordpress Themes | Premium Wordpress Themes | Free Icons | wordpress theme
Wordpress Themes. Blogger Templates by Blogger Templates and Blogger Templates