Friday, March 15, 2013

Pagsala ng Big Three judges sa papasok na quarter finals, nalalapit na

Malapit ng salain ng “Pilipinas Got Talent” judges na sina Kris Aquino, Ai Ai Delas Alas, at Freddie “FMG” Garcia kung sino sa mga nakapasa sa auditions ang mapapabilang sa opisyal na listahan ng quarter finalists sa nalalapit na Judges Cull round ng hit talent-reality show.

Pilipinas Got Talent 4

Sa Judges Cull, muling babalikan ng Big Three ang acts na nakakuha ng ‘yes’ mula sa kanila at sasalain ito hanggang sa mapili ang top 36 acts na magpapatuloy sa susunod na round ng kumpetisyon. Ngayong linggo, hahabol pa sa salaan ang mga naiibang acts tulad ng grupong Bacolod Inline Skate na sumasayaw habang naka-skates; all-girl violinists group; Philippine Army band; Reynan na magpipintura gamit ang ilaw; at Regidor Dance Troupe na sasayaw ng cancan. Sino kaya sa kanila ang magpapabilib sa Big Three judges? Huwag palalampasin ang “Pilipinas Got Talent 4,” na pinangungunahan nina Luis Manzano at Billy Crawford bilang hosts, tuwing Sabado, pagkatapos ng “MMK,” at tuwing Linggo, pagkatapos ng “Rated K” sa ABS-CBN.

0 comments:

Post a Comment

 
Copyright 2009 Pinoy Showbiz Blogger. Powered by Blogger Blogger Templates create by Deluxe Templates. Premium Wordpress Themes | Premium Wordpress Themes | Free Icons | wordpress theme
Wordpress Themes. Blogger Templates by Blogger Templates and Blogger Templates