Thursday, March 21, 2013

Meg Imperial, Bagong Girlfriend ni Xian Lim?

Magsisimula na ba ng panibagong love team sina Xian Lim at Meg Imperial? Kung ganoon, paano na si Kim Chiu?

Xian Lim, Meg Imperial

Sa “Toda Max” ngayong Sabado (March 23), makikigulo ang  heartthrob  na si Xian bilang Earl at bagong Kapamilyang si Meg bilang Gem na gaganap bilang magnobyo.

Makikipagsabayan sa dance moves ni Justin (Vhong Navarro) si Earl dahil magtatrabaho sila bilang mimers na nang-aaliw ng mga tao sa mall. Nililihim ni Earl ang trabaho sa ambisyosa at mukhang perang nobya na si Gem sa takot nito na baka hindi siya matanggap. Dahil dito, pinaniwala ni Earl si Gem na isa siyang manager sa isang restaurant.

Matatanggap kaya ni Gem ang nobyo kapag nalaman niya ang katotohanan? Alamin sa “Toda Max” ngayong Sabado (March 23) pagkatapos ng “Maalaala Mo Kaya” sa ABS-CBN.

0 comments:

Post a Comment

 
Copyright 2009 Pinoy Showbiz Blogger. Powered by Blogger Blogger Templates create by Deluxe Templates. Premium Wordpress Themes | Premium Wordpress Themes | Free Icons | wordpress theme
Wordpress Themes. Blogger Templates by Blogger Templates and Blogger Templates