Saturday, March 23, 2013

John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo, magpapasabog ng ‘Da Best’ summer kilig sa ‘ASAP 18’

Summer love is in the air sa “ASAP 18” ngayong Linggo (Marso 24) dahil tiyak na mapapaiibig ang TV viewers sa ‘da best’ surprises na ihahatid ng box-office royalties na sina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz sa grand launch ng “It Takes A Man and A Woman,” ang third installment ng hit romantic-comedy movie series na pinagbibidahan ng mga karakter nilang sina Laida at Miggy.

John Lloyd Cruz and Sarah Geronimo

Lalo namang itotodo ng “ASAP 18” ang pagpapakilig ngayong Linggo sa espesyal na pagbisita ng “Be Careful With My Heart” stars na sina Jodi Sta.Maria, Mutya Orquia, Jerome Ponce, Janella Salvador, Doris at Sabel. Kaabang-abang rin ang ‘da best’ production number ng Star Magic Circle 2013 boys na sina Jerome, Khalil Ramos, Kit Thompson, Jon Lucas, Julian Estrada, at Alex Diaz.

Back-to-back-to-back celebrations ang masasaksihan sa “ASAP 18” centerstage sa exciting na sorpresa na inihanda ng buong ASAP Kapamilya para sa birthday girl na si Kathryn Bernardo; na susundan ng bonggang birthday bash para kina Bamboo at Enrique Gil; at ng paggawad ng gold record award sa Breakthrough Actor of 2012 na si Paulo Avelino.

Samantala, tunghayan ang isa na namang nakamamanghang performance mula kay Mr. Pure Energy Gary Valenciano kasama ang kanyang mga anak na sina Gab, Paolo, at Kiana sa kanyang pagbabahagi ng makabagdamdaming kwento ng mag-ama sa ‘With Love, Gary V’ segment.

Humanda rin para sa ultimate summer treat ngayong tag-init sa world-class concert experience na ihahandog nina ZsaZsa Padilla, Jamie Rivera, Vina Morales, Erik Santos, Jed Madela, Jericho Rosales, at ng ASAP Covers na sina Sam Milby, Zia Quizon, Paolo Valenciano, at Yeng Constantino.

Tiyak na mapapa-hataw ang lahat sa makapigil-hininga at nagliliyab na Supahdance showcase nina KC Concepcion, Kim Chiu, Maja Salvador, Julia Montes, Jessy Mendiola, Nikki Gil, Karylle, Empress, Iya Villania, Rayver Cruz, Sam Concepcion, Meg Imperial, at Iza Calzado.

Makisaya, makisayaw, at makikanta sa pagdiriwang ng ‘da best’ summer season sa longest-running at award-winning variety show ng bansa, “ASAP 18,” 12:15 ng hapon sa ABS-CBN. Para sa updates, pictures at tsansang maka-hang out nang live ang stars ng ASAP Chill-Out, bumisita lamang sa http://asap.abs-cbn.com/, i-‘like’ ang http://facebook.com/asapofficial, sundan ang @ASAPOFFICIAL sa Twitter at makibalita sa latest happenings sa “ASAP 18” sa pamamagitan ng pag-tweet ng hashtag na #ASAPDaBestSummer.

0 comments:

Post a Comment

 
Copyright 2009 Pinoy Showbiz Blogger. Powered by Blogger Blogger Templates create by Deluxe Templates. Premium Wordpress Themes | Premium Wordpress Themes | Free Icons | wordpress theme
Wordpress Themes. Blogger Templates by Blogger Templates and Blogger Templates