Ang “Must Be… Love” stars na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang susunod na susuong sa nakaka-tense na challenges ngayong linggo ng top-rating Kapamilya game show na “Minute to Win It.”
Ang sikat na love team ang isa sa mga pinakaunang teen players na susubukang makuha ang jackpot na P1 milyon sa “Minute to Win It” Teen Challenge ngayong summer tampok ang kabataang Pinoy.
Para ma-inspire si Kathryn ay sorpresang dumalaw para manood ng kanyang laro si Daniel na siya namang kinakiligan at tinilian ng studio audience. Na-inspire nga ba o lalo pang kinabahan si Kathryn? Isa na kaya sa kanila ang magiging unang milyonaryo ng “Minute to Win It”?
Patuloy na panoorin ang “Minute to Win It” mula Lunes hanggang Biyernes, 11AM sa ABS-CBN. Para sa updates ukol sa programa, bisitahin ang www.facebook.com/minute2winitPH at sundan ang @Minute2WinItPH sa Twitter.
0 comments:
Post a Comment