Thursday, March 14, 2013

Binatilyong sinapian umano sa Makiling, bubusisiin ni Atom sa ‘Hiwaga’

Mabait at magalang na binatilyo si Red ng lumuwas ng Maynila para sumama sa isang field trip sa school at umakyat sa Mt. Makiling. Laking gulat ng kanyang inang si Nanay Lolit nang bumalik ito na parang hindi na ang anak na nakagisnan.

Atom Araullo

Sinapian nga ba si Red sa mahiwagang bundok ng Makiling? Iyan ang aalamin ni Atom Araullo ngayong Biyernes (Mar 15) sa “Pinoy True Stories: Hiwaga.”

Pagkabalik ng anak mula sa field trip ay napansin na ni Nanay Lolit ang pagbabago sa anak. Sumisigaw na lang ito mag-isa, tatayo sa bakod, walang ganang kumain, at mainitin ang ulo.

Noong una’ akala niya ay nagrerebelde lang ito ngunit mas lalo na siyang nabahala ng itinatapon o nilalayuan ni Red ang mga rosaryo, krus, at iba pang sumisimbolo sa Diyos.

Palala ng palala ang kondisyon ni Red na humantong pa sa muntikan na niyang pagkakapatay sa suntok ng kanyang sariling ama at kapatid. Wala namang magawa ang pari at psychiatrist na hiningan sana ng tulong ni Nanay Lolit.

Ano ba talaga ang nangyari kay Red? Sinapian nga ba siya dala ng pagpunta sa Mt. Makiling? Makakabalik pa kaya siya sa kanyang dating katauhan?

Huwag palalampasin pinakabagong kuwento ng kababalaghan handog ng “Pinoy True Stories: Hiwaga,” sa pangunguna ng anchor na si Atom Araullo, ngayong Biyernes ng hapon (Mar 15), 4:45 p.m. pagkatapos ng “A Gentleman’s Dignity” sa ABS-CBN. Para sa updates tungkol sa programa, bisitahin angwww.abscbnnews.com/currentaffairs.

Abangan din ibang mga bagong “Pinoy True Stories” hatid ng ABS-CBN News and Current Affairds, tulad ng “Bistado” ni Julius Babao tuwing Lunes, “Engkwentro” ni Karen Davila tuwing Martes, “Saklolo” nina Maan Macapagal at Dominic Almelor tuwing Miyerkules, at “Demandahan” ni Anthony Taberna tuwing Huwebes.

0 comments:

Post a Comment

 
Copyright 2009 Pinoy Showbiz Blogger. Powered by Blogger Blogger Templates create by Deluxe Templates. Premium Wordpress Themes | Premium Wordpress Themes | Free Icons | wordpress theme
Wordpress Themes. Blogger Templates by Blogger Templates and Blogger Templates